Tuesday, May 26, 2015

“Untouchable” sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte, Pinarusahan

  

Noong Mayo 25, 2015, bandang alas nwebe ng umaga, pinarusahan ng Armando Catapia Command ng Bagong Hukbong Bayan si Ronnie Habitan, isang taong maimpluwensya at di-magalaw-galaw ng reaksyunaryong kapulisan at maging ng mga militar.  Hinatulan siya ng parusang kamatayan ng Rebolusyonaryong Hukumang Bayan dahil sa kaso  ng pagpatay at tangkang pagpatay, drug trafficking, at pang-aagaw ng kabuhayan at pagpapalayas sa mga naghahanap-buhay sa paggiginto.


Pinarusahan si Habitan sa kanyang bahay sa  Jose Panganiban at nakuha mula sa kanya ang dalawang .45 caliber pistol.  Nakuha naman ang tatlong glock pistol at isang .45 caliber pistol mula sa mga pulis na nagresponde sa insidente. Pinalaya din ang mga pulis pagkatapos makumpiskahan ang mga ito ng armas.


Ang mga detalye ng  kaso ni Habitan ay ang sumusunod:


1.  Mga naging biktima ay isang dati niyang tauhan na may apelyedong Rapa na taga-Malacbang, Paracale, at isang may apelyedong Parol na taga-Sta Rosa Norte, Panganiban.


2.  Pag-aarmas at pagtatayo ng goons o private army para gamitin sa pananakot sa mga magkakabod at sa mga pinanser na karibal niya sa kaburan.  Tinatakot niya ang kanyang  mga tauhang umaangal sa partihan -- binibigyan ng beachwalk (tsinelas) ang mga umaangal na ang ibig sabihin ay “umalis ka na” at kapag hindi umalis ay ipinapapatay. Nasa arsenal ni Habitan ang mga HPR (high-powered rifles) gaya ng M4, M14, KJ9 at ingram.


3.  Pwersahang pang-aagaw niya ng bal-on (o kubol) ng ginto, lalo na kapag high-grade ang mga ito, gamit ang kanyang mga armadong goons.


4.  Ginagawa ni Habitan na rekisitos upang tanggapin sa pagkakabod ang paggamit ng shabu upang maalis ang takot ng mga magkakabod, kahit pa klasipikadong “danger zone” na ang bal-on.  Ayon sa ilang nakausap na mga dating nagkabod sa kanya, kinakaltas sa korporasyon ang halaga ng shabung nagamit bago partehin at ibigay sa mga player (magkakabod) ang kanilang kaparte. Nangangahulugan ito na binabayaran pa ng mga magkakabod ang shabu na pilit na ipinapagamit sa kanila.


5.   Ang pagiging druglord at protektor ng mga pusher ng shabu. Saklaw ng teritoryo ni Habitan sa pagbebenta ng shabu ang mga bayan ng Paracale, Panganiban at Labo sa Camarines Norte. Ang pinanggagalingan ng shabu ay mula sa koneksyon niya sa PDEA at mga tauhang pulis ang taga-deliber.  Nakikita sa kanyang bahay ang isang Edwin Barcoma na kilalang pusher ng shabu sa lugar, na nakalabas lang dahil sa piyansa.


Para sa malawakang operasyon ng droga at pagmimintina ng sandatahang goons, nagpapatakbo si Habitan ng “security agency", nagmamantine ng kasapakat na mga abogado, koneksyon sa sindikato ng gun-running at jueteng, at mga opisyal sa pulisan at militar.

       

Ang paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa lugar ay isang suliranin na inirereklamo ng maraming mga magulang dahil sa maraming mga kabataan ang nalululong dito at naaapektuhan ang kanilang kinabukasan.  Kaya naman binibigyan ng babala ng Bagong Hukbong Bayan ang mga nagpapalaganap ng iligal na droga na tigilan na nila ang kanilang mga gawain.  Tigilan na rin ang sapilitang pagpapagamit ng shabu sa mga magkakabod upang maalis lang ang kanilang takot sa pagpasok sa balon kahit mapanganib na ito.


Ang pagpaparusa kay Ronnie Habitan ay bahagi ng paggawad ng rebolusyonaryong hustisya para sa kanyang mga naging biktima at magsilbing babala sa mga nagpapalaganap ng iligal na droga.  Droga ay iwasan at itakwil, druglord papanagutin!


MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!

MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!


Carlito Cada

Public Information Officer

Armando Catapia Command

Bagong Hukbong Bayan - Camarines Norte


 Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa  http://ndfpbicol.blogspot.com/





“Untouchable”  in Jose Panganiban, Camarines Norte, Punished

        
On May 25, 2015, around 9 a.m., the Armando Catapia Command of the New People’s Army implemented the death sentence on Ronnie Habitan, considered “untouchable’ by the reactionary police and military.  He was sentenced to death by the Revolutionary People’s Court due to cases of murder and attempted murder,  drug trafficking, and  evicting and robbing the livelihood of small-scale miners.

Habitan was executed in his house in Jose Panganiban; confiscated from him were two .45 caliber pistols.   Three glock pistols and one .45 caliber pistol were also confiscated from the police who responded to the incident.


 The details of Habitan’s cases are the following:



1)      Victims include one former employee by the surname of Rapa from Malacbang, Paracale; and another by the surname of Parol from Sta. Rosa Norte, Panganiban.

2)      Building a private army (armed goons) used to terrorize miners and rival financiers. These goons are often used to intimidate employees complaining about their share – a pair of beachwalk slippers would be given, which is a signal for them to leave, or else, they will be executed.  His arsenal of HPRs (high-powered rifles) include an M4, M14, KJ9 and ingram.

3)      Forcibly taking over mining pits, especially high-grade ones, with the use of his armed goons.

4)      To be employed by Habitan, use of shabu (crystal meth) is a requisite; shabu is used to eliminate fear among the small-scale miners, even if the mining pits are classified as danger zones.  According to his former miners, the value or price of the shabu is subtracted before the shares are divided; which entails that the miners pay for the shabu that is forced upon them.

5)      Habitan is a known druglord and protector of (shabu) drug pushers.  His territory for selling shabu includes the municipalities of Paracale, Panganiban and Labo in Camarines Norte.  The shabu which he sells is from his connections with the PDEA and the police.  Often seen at Habitan’s house is a certain Edwin Barcoma, who is a known drug pusher in the area.


To maintain his extensive drug operations and armed goons, Habitan runs a so-called “security agency”, as well as maintaining his connections with lawyers, gun-running and jueteng syndicates, and police and military officers.


The widespread use of illegal drugs in the area is a huge predicament as a lot of young people are becoming addicts.  The New People’s Army is therefore issuing a warning to all drug traffickers to stop their illegal activities, and for financiers to stop the forcible use of shabu among miners.

 The execution of Ronnie Habitan is part of meting out revolutionary justice for his victims, as well as a warning for all drug traffickers.  Avoid drugs and punish the druglords!

LONG LIVE THE NEW PEOPLE’S ARMY!
LONG LIVE THE FILIPINO MASSES!

Carlito Cada
Public Information Officer
Armando Catapia Command
New People’s Army - Camarines Norte

For more information, go to http://ndfpbicol.blogspot.com/

2 comments:

  1. sana po e, meron rin kayo sa metro manila

    ReplyDelete
  2. may tanong po ako..kilala nyo pa ba si Myla Habitan Abundo?..taga plaridel camarines norte po sya..pls lang po pakisagot kung sino nakakilala sa kanya kasi may hinahanap akong tao..thank you and God Bless!

    ReplyDelete